Bakit inaayawan ng Australia si Duterte? Binastos kasi niya noong Presidente pa siya!

Duterte at ang kanyang Karma: Pagtanggi ng Australia sa Kaniyang Interim Release Nitong mga nakaraan, naging sentro ng talakayan hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa pandaigdigang komunidad ang usapin ng posibilidad na pagkakalooban ang dating Presidente na si Rodrigo Duterte ng pansamantalang kalayaan sa pagitan ng mga kaso laban sa kanya, kabilang ang mga isyu ng pag abuso sa karapatang pantao. Isa sa mga itinuturong bansa ng kanyang kampo na maaaring mag-host ng kanyang interim release ay ang Australia—isang ideya na agad ding ipinagtatwa ng naturang bansa. Kung titingnan ang kasaysayan ng ugnayan ni Duterte sa Australia, hindi nakapagtataka ang naging resulta. Maaaring Pinagmulan ng Alingasngas: Ang Rape Joke at Pagtrato sa mga Madre Maalala natin ang insidente noong kampanya pa ni Duterte noong 2016, nang biruin niya ang tungkol sa panggagahasa sa isang Australian missionary—isang biro na agad tinuligsa ng maraming sektor, lalo na ng gobyernong Australia. Umani ito ng ...