Bakit inaayawan ng Australia si Duterte? Binastos kasi niya noong Presidente pa siya!
Duterte at ang kanyang Karma: Pagtanggi ng Australia sa Kaniyang Interim Release
Nitong mga nakaraan, naging sentro ng talakayan hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa pandaigdigang komunidad ang usapin ng posibilidad na pagkakalooban ang dating Presidente na si Rodrigo Duterte ng pansamantalang kalayaan sa pagitan ng mga kaso laban sa kanya, kabilang ang mga isyu ng pag abuso sa karapatang pantao. Isa sa mga itinuturong bansa ng kanyang kampo na maaaring mag-host ng kanyang interim release ay ang Australia—isang ideya na agad ding ipinagtatwa ng naturang bansa. Kung titingnan ang kasaysayan ng ugnayan ni Duterte sa Australia, hindi nakapagtataka ang naging resulta.
Maaaring Pinagmulan ng Alingasngas: Ang Rape Joke at Pagtrato sa mga Madre
Maalala natin ang insidente noong kampanya pa ni Duterte noong 2016, nang biruin niya ang tungkol sa panggagahasa sa isang Australian missionary—isang biro na agad tinuligsa ng maraming sektor, lalo na ng gobyernong Australia. Umani ito ng matinding batikos at poot hindi lamang mula sa mga Australyano kundi pati sa mga Pilipinong naniniwalang dapat igalang ang dignidad at karapatan ng bawat tao, lokal man o banyaga.
Hindi natapos doon ang mga isyu ni Duterte sa Australia. Ilang taon makalipas, nang pag-initan niya si Sister Patricia Fox, isang Australianong madre na nakikisimpatya sa panawagan para sa karapatan ng mga mahihirap na Pilipino. Sa pamamagitan ng pakikialam ng gobyernong Duterte, ipinatapon si Sister Fox pabalik sa Australia—isang hakbang na muling nagpataas ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa at nagdulot ng mga katanungan tungkol sa respeto ng administrasyong Duterte sa mga banyaga at mga lokal na mamamyan.
ASEAN-Australia “Kangaroo” Issue: What will they feed us, kangaroo?
Hindi lingid sa marami na sa isa sa mga talumpati ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, tungkol pagtanggi niya sa imbitasyon noon sa kanya ng Gobyerno ng Australia sa isang ASEAN Event. Ilang beses niyang ipinahayag ang pagkadismaya, at paminsan ay pagmamaliit, sa ating international partner na Australia. Isa sa mga naging viral at kontrobersyal na pagbitaw niya ng salita ay ito:
“Do not believe yung mga ana, ... At itong mga Australiano, hindi ko rin maintindihan, ang invitation informal breakfast... Sabi ko sa mga sundalo, bakit naman punta doon na? Puna-una hindi ako kumakain ng breakfast. ... Anong ipakain na 'nyan sa atin, kangaroo?...”
Kung titignan, may halong biro at dismayadong ipinarating ni Duterte sa pagkakahanda, o kakulangan nito, sa isang imbitasyon mula sa Gobyerno ng Australia. Sa kanyang tono, makikita ang pagdududa at pangmamaliit sa mga seremonya at pakikipulong—na tila baga, hindi sapat o hindi katanggap-tanggap sa kanya bilang isang pinuno ng bansa. Bukod dito, ginamit niya pa ang mga salitang “kangaroo,” isang iconic na simbolo ng Australia—malinaw na may bahid ng pambabastos o pagkutya.
Hindi lang dito natatapos ang mga kontrobersiyal niyang pahayag. Madalas niyang baliwalain ang mga pormalidad at mga imbitasyon mula sa ibang bansa at ipinapakita ito sa kaniyang mga talumpati mismo, dahilan upang lalong malayo ang loob ng ilang bansa kay Duterte.
Kabayaran ng kanyang Kabastusan
Malinaw na mula sa sariling mga salita ni Duterte ay may pagkukulang pagdating sa respeto, lalo na sa mga international partners gaya ng Australia at EU. Ngayon, ang pagtanggi ng Australia na maging host para sa kanyang interim release at ang malamig na pagtanggap ng ASEAN community ay nag-ugat din sa sariling mga salitang kanyang binitiwan. Isa itong leksyon—ang dignidad at respeto ay hindi dapat sinasawalang-bahala, lalo na sa mas malaking larangan ng pandaigdigang diplomasiya.
Tunghayan sana ng kasalukuyan at susunod na lider ang kahalagahan ng paggalang sa bawat salita—sapagkat ang karma ay may paraan para magbalik, gaya ng kasabihang “Kung ano ang itinanim, iyon ang aanihin.”
Ang Pagbabalik ng Gulong ng Kapalaran: Karma!
Ngayon, isang makasaysayang kaganapan ang tila nagpapakita ng tinatawag na “karma.” Sa kabila ng maigting na paghahangad ng kanyang mga tagapayo na maaaring magbigay ng pansamantalang tuluyan ang Australia kay Duterte sa harap ng mga kaso sa international community—mahigpit itong tinanggihan ng Australia. Sa likod ng pagtanggi, hindi natin maiaalis na itinuturing ng Australia na matindi at hindi kaaya-aya ang naging asal ni Duterte noon laban sa kanilang mga mamamayan.
Pagpapaalala ng Pananagutang Moral
Hindi maiiwasan ng sinuman ang anino ng nakaraan. Ang mga salita at kilos, maliit man o malaki, ay may kakabit na bunga—at kung minsan, ito mismo ang nagbabalik upang turuan tayo ng mahalagang leksiyon. Sa kaso ni Duterte, malinaw na ang pagwawalang-bahala niya noon sa dignidad ng ibang lahi, partikular ng mga Australyano, ay mismong naging hadlang sa pagkakataong maaaring gumaan ang kanyang kinakaharap na pagsubok ngayon.
Bilang mga Pilipino, isang aral ang hatid nito: ang pagiging maingat at magalang sa ating mga kilos at salita, mapa Pilipino man o Banyaga. Ang respeto ay hindi lamang para sa kasalukuyan—ito rin ay puhunan para sa mga susunod na panahon.
Gaya ng kasabihan, "Ang masama ay babalik sa gumagawa." Sa kasaysayan ng relasyon ni dating Pangulong Duterte sa Australia, nakita natin kung paano ang mga dating pananalita at desisyon ay maaaring bumalik at makaapekto sa hinaharap. Isang mahalagang paalala sa ating lahat na anuman ang ating itanim, ito rin ang ating aanihin.
Support Truth: Fund the Fight Against Fake News to Correct Distorted Truth.
Since 2016, the Michael Apacible Bulletin has been battling misinformation to correct distorted beliefs about Reality. This crucial work needs your support to continue.
Invest in truth. Donate today and be a champion for truth. Help us combat fake news and keep information accurate. Every contribution makes a difference. Join us! Donate via Gcash: 0966.870.1469
Thank you for considering this important cause and for your trust.
#MAB
Comments
Post a Comment