BILYONES ang Dahilan? Xian Gaza, SUMABOG sa GALIT! 'Madam, Tigilan Mo Na si Ivana!

Xian Gaza, Gigil na Gigil sa Pagtatanggol kay Ivana Alawi; Asawa ni Albee Benitez, Inupakan! Mainit na pinagtanggol ni Christian Albert Gaza, mas kilala bilang Xian Gaza, si Ivana Alawi laban sa mga akusasyong siya raw ang dahilan ng hiwalayan nina Congressman Albee Benitez at ng asawa nitong si Dominique "Nikki" Lopez-Benitez. Bagama't hindi binabanggit ni Xian Gaza ang pangalan ng Asawa ni Cong. Albee ay batid naman ng publiko na ito lang ang tanging kaugnay ng isyu na niraratrat ni Gaza. Sa isang tirada na puno ng galit at pagkadismaya, walang patumanggang inupakan ni Gaza si Nikki Benitez, pinunto ni Gaza na matagal na raw itong hiwalay sa kanyang asawa bago pa man madawit ang pangalan ni Ivana. Ang Pagsabit kay Ivana: Isang Estratehiya nga Ba? Ayon kay Gaza, isang malaking palaisipan kung bakit isinasabit ang pangalan ni Ivana Alawi sa isyu ng mag-asawa. Giit niya, "Hindi ko maunawaan, hindi maarok ng aking isipan, bakit mo isasabit si Miss Ivana Alawi diyan ...