BILYONES ang Dahilan? Xian Gaza, SUMABOG sa GALIT! 'Madam, Tigilan Mo Na si Ivana!
Xian Gaza, Gigil na Gigil sa Pagtatanggol kay Ivana Alawi; Asawa ni Albee Benitez, Inupakan!
Mainit na pinagtanggol ni Christian Albert Gaza, mas kilala bilang Xian Gaza, si Ivana Alawi laban sa mga akusasyong siya raw ang dahilan ng hiwalayan nina Congressman Albee Benitez at ng asawa nitong si Dominique "Nikki" Lopez-Benitez. Bagama't hindi binabanggit ni Xian Gaza ang pangalan ng Asawa ni Cong. Albee ay batid naman ng publiko na ito lang ang tanging kaugnay ng isyu na niraratrat ni Gaza. Sa isang tirada na puno ng galit at pagkadismaya, walang patumanggang inupakan ni Gaza si Nikki Benitez, pinunto ni Gaza na matagal na raw itong hiwalay sa kanyang asawa bago pa man madawit ang pangalan ni Ivana.
Ang Pagsabit kay Ivana: Isang Estratehiya nga Ba?
Ayon kay Gaza, isang malaking palaisipan kung bakit isinasabit ang pangalan ni Ivana Alawi sa isyu ng mag-asawa. Giit niya, "Hindi ko maunawaan, hindi maarok ng aking isipan, bakit mo isasabit si Miss Ivana Alawi diyan sa kasuhan ninyong mag-asawa?" Idinagdag pa ni Gaza na ang mag-asawa ay legal nang hiwalay simula pa noong 2003, batay sa isang court order mula sa Pasig City. Sa panahong iyon, anim na taong gulang pa lamang si Ivana Alawi.
"Walang usok kung walang apoy," ani Gaza, "pero bakit mo kinakaladkad yung pangalan ni Ivana?" Para kay Gaza, ang pagkaladkad sa pangalan ni Ivana ay tila isang "strategic" na hakbang ng asawa ni Albee Benitez. Pinaghihinalaan niya na ginagamit ang kasikatan ni Ivana, na may milyun-milyong followers, upang makakuha ng pabor sa korte at manalo sa kaso ng annulment, partikular sa usapin ng ari-arian at sustento.
Bakit Hindi ang Iba, Si Ivana Pa?
Lalong umigting ang galit ni Gaza nang ilahad niya na maraming naging babae si Albee Benitez sa loob ng 21 taon. "Nakabuntis pa nga ng dalawang babae, illegitimate child, dalawa," pagbubunyag ni Gaza. Nagtataka siya kung bakit sa dami ng naging karelasyon ng kongresista, kabilang ang mga artista at modelo, si Ivana pa ang sinasama sa kaso.
Milyun-Milyong Ari-arian, Hindi Pa Ba Sapat?
Hindi rin pinalampas ni Gaza ang usapin ng yaman. Ayon sa kanya, halos lahat ng ari-arian ni Albee Benitez ay napunta na kay Nikki. Binanggit niya ang mga ari-arian tulad ng bahay sa Forbes at Dasma na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong pisong properties, pati na rin ang halaga ng mga condominium units. Ibinunyag din ni Gaza na ang asawa ni Benitez ay may P1.6 bilyong halaga ng shares sa DigiPlus.
"Billionaire ka, peso billionaire ka, multibillionaire ka, Madam, dahil sa asawa mo," pagdidiin ni Gaza, na tila sinasampal sa mukha si Nikki Benitez. Sa kabila ng lahat ng nakuhang yaman, ayon kay Gaza, humihingi pa rin daw si Nikki ng P1 milyong allowance kada buwan habambuhay, at share sa lahat ng kikitain ni Albee Benitez kahit pa ma-annul ang kanilang kasal.
Dahil dito, tila sumabog na ang galit ni Gaza. "Ano ba ang gusto mo na makita mong naghihirap na sa kalsada at bangkarote yung mister mo?," tanong niya na may halong pagkadismaya. "Gusto mo lahat mapunta sa iyo? Anong pinaplano mo na makita siya naghihirap at namamalimos sa kalsada para wala na yung mga lumapit sa kanya na mga kababaihan?"
"Huwag Mo Siyang Idawit!"
Sa huling bahagi ng kanyang komentaryo, muling idiniin ni Gaza ang kanyang panawagan kay Nikki Benitez na tigilan na ang pagkaladkad sa pangalan ni Ivana. "Wag mo palabasin sa publiko na si Ivana yung dahilan kung bakit nasira yung pamilya ninyo," mariing sabi ni Gaza. "Six years old pa lang si Ivana nung naghiwalay kayo so wag nyo siyang ipagsiksikan iyon o palabasin sa publiko o ilathala yung narrative na siya ang dahilan kung bakit nawasak ang inyong pagsasama, dahil hindi naman yun totoo."
Para kay Xian Gaza, ang pagtatanggol kay Ivana Alawi ay hindi lamang dahil sa personal na koneksyon, kundi dahil naniniwala siya na nasa tama si Ivana at naagrabyado lamang ito sa sitwasyon. Ipinahayag niya na gagamitin niya ang kanyang impluwensya upang ipagtanggol ang mga nasa tama, lalo na kung ang kaibigan o kakilala ang nadadamay sa maling paraan.
Comments
Post a Comment