Pulong Duterte, Inirereklamo ng Pananakit Dahil sa Di-Pagbabayad sa 'Bugaw'

Nakakabahala Ang Blind Faith sa mga Duterte: Ang Karahasan ng Pamilya Duterte at ang Walang Katapusang Blind Faith ng iba sa kanilang Pamilya. Minsan pa, ang pamilya Duterte ay nasa sentro muli ng kontrobersiya, at hindi ito dahil sa positibong balita. Kamakailan, kumalat ang balita at video na nagpapakita ng umano'y pananakit ni Davao City First District Representative Paolo "Pulong" Duterte sa isang negosyanteng nagngangalang Kristone John Patria. Ang nakababahala rito ay hindi lamang ang akto ng karahasan mismo, kundi ang ugat ng insidente at ang tila walang katapusang pagbubulag-pagbulagan ng ilang Pilipino sa mga paulit-ulit na insidente ng kontrobersya ng karahasan na kinasasangkutan ng pamilyang ito. Ayon sa mga lumabas na ulat, ang insidente ay naganap sa isang bar sa Davao City noong madaling araw ng Pebrero 23. Sa CCTV footage na kumalat, makikita ang isang lalaking sinasabing si Pulong Duterte na nakikipagsagutan, nandidikdik, at tila nananakit ng isang lal...